Sa panayam sa kaniya ni Kapamilya TV host-actor Luis Manzano nitong Martes, Agosto 29, inamin ng vlogger na si Joel Mondina alyas “Pambansang Kolokoy” na may mga pagkakataon na iniisip niya na sana ay hindi na lang siya naging “Pambansang Kolokoy” o PK na nakilala ng mga tao sa social media ngayon.

“Pero siguro nga, ginawa ako ng Diyos na ganito. So, nagpapasalamat pa rin ako siyempre,” pasubali niya.

Ayon pa sa kuwento ni Pambansang Kolokoy, may mga panahon na hindi siya sineseryoso ng kaniyang mga tagasubaybay.

“‘Yun bang napakaseryoso ng sinabi mo, ‘yun bang kulang na lang sabihin mo, nadisgrasya si Pambansang Kolokoy pero tatawa pa rin sila,” dagdag pa niya.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Kaya sabi niya, iniiwasan na niyang mag-post ng mga kadramahan. Ibinibigay na lang daw niya kung ano ang gusto at inaasahan ng kanyang mga audience mula sa kanya.

“Kung sa tingin n’yo pang-comedy lang ako, eh ‘di comedy na lang ibibigay ko sa inyo kahit na ngayon e may ano ako, sakit.”

Pero kung may natutuhan man siya sa pagiging Pambansang Kolokoy, iyon ay kung paano makisama sa mga taong hindi kilala lalo na raw kung gustong tumagal sa kung anoman ang ginagawa.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang hiwalayan nila ng kaniyang asawang si Grace Mondina alysa ‘Marites’ dahil sa isyu ng cheating.