Napanatili ng Severe Tropical Storm Hanna ang lakas nito habang kumikilos pa-west northwest sa Philippine Sea, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes ng umaga, Agosto 31.

Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng umaga, namataan ang sentro ng bagyong Hanna 1,225 kilometro ang layo sa silangan ng Extreme Northern Luzon, na may maximum sustained winds na 95 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 115 kilometers per hour.

Kumikilos pa-west northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.

Base sa forecast track, mananatiling malayo sa kalupaan ng bansa ang bagyo at inaasahan umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) bukas ng tanghali o gabi, Setyembre 1.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The Southwest Monsoon currently enhanced by Super Typhoon SAOLA (GORING) (now outside the PAR) at this time is also being slightly enhanced by HANNA and Tropical Storm KIROGI (currently outside the PAR),” saad din ng PAGASA.

Magdudulot umano ang habagat ng occasional hanggang monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

Dagdag pa rito, inihayag ng PAGASA na patuloy na maghahatid ang habagat ng gusty conditions sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, and the northern portion of Eastern Visayas ngayong Huwebes at sa Biyernes.