Ibinunyag ng legendary choreographer na si Geleen Eugenio ang galing ni Nora Aunor sa pagkakabisa ng sayaw. 

Napag-usapan kasi sa Fast Talk with Boy Abunda noong Agosto 28 kung sino ang mas magaling sumayaw sa pagitan nina Nora Aunor, na kilala ring ‘Ate Guy’, at Vilma Santos, na kilala naman bilang 'Ate V.'

“I would teach her [Ate Guy] 30 minutes before the show, she can get the step immediately,” pahayag ni Geleen.

Samantala, ayon naman kay Maribeth Bicahara, mabilis din daw magkabisa ng step si Ate V.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

“Actually, they’re the same. Because during those times ‘yung mga artista talaga, dedicated sila. [...] Sobra silang focus sa gagawin.” saad ni Maribeth. 

Nang tanungin ang dalawa kung naapektuhan ba sila ng rivalry nina Ate Guy at Ate V, inamin nilang may isang beses na inisnab nila umano ang isa’t isa sa Araneta.

Sina Maribeth Bichara at Geleen Eugenio ay naging choreographer sa nakalipas na apat na dekada ng mga kilalang pangalan sa industriya kabilang sina Nora Aunor at Vilma Santos.

Ralph Mendoza