Nagbigay ng mensahe ang GMA News Reporter na si Jonathan Andal para sa batikang broadcaster na si Mike Enriquez na pumanaw kahapon, Agosto 29.
Sa kanyang Facebook post, ikinuwento ni Jonathan ang kanilang one-on-one closed door conversation ni Mike.
"He was my first boss in GMA when I started here as radio reporter for DZBB in 2018. Si Sir Mike ang head noon ng GMA Radio," aniya.
“6 [months] pa lang ako noon, kaka-regular ko lang, tapos bigla akong nag-apply as TV reporter kasi nagka-opening dahil may nag-resign na isa. Pagka-apply ko, saka ko lang sinabihan our station manager who then informed Sir Mike via phone call."
Dagdag pa niya, kinakabahan siya noon dahil iniisip niyang pagagalitan siya ni Mike.
“Baka isipin niya, ginawa ko lang stepping stone yung radyo.”
Pero sa halip na magalit, ngumiti raw kay Jonathan ang batikang broadkaster. Pinaupo siya at kinumusta ang kanyang application sa TV. At hindi lang ‘yun, binigyan din siya nito ng words of wisdom, words of encouragement, at tips kaugnay sa broadcast industry.
Sa huli, pinayuhan siya ni Mike na galingan sa bagong industriyang papasukin niya para maipagmalaki siya nito.
Si Jonathan Andal ay dating radio reporter sa DZBB kung saan niya naging boss si Mike Enriquez na head noon ng GMA Radio.
Kaugnay na Balita:
-- Ralph Mendoza