Taos pusong nakiramay ang human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno sa naiwang pamilya at mahal sa buhay ng beteranong mamamahayag na si Mike Enriquez na pumanaw nitong Martes, Agosto 29.

“Taos pusong pakikiramay at taimtim na dasal para sa pamilya't mahal sa buhay ng kilalang broadcaster at fellow La Sallian na si Mike Enriquez,” saad ni Diokno sa kaniyang X account (dating Twitter).

Veteran journalist Mike Enriquez, pumanaw na

“Malaking kawalan sa mundo ng media ang kanyang pagpanaw,” dagdag pa niya.

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1696676346658005102

Pumanaw si Enriquez sa edad na 71. Kinumpirma ito ng co-anchor ni Enriquez na si Mel Tiangco sa 24 Oras.

“It is with profound sadness that GMA Network announces the passing of our beloved Kapuso, Mr. Miguel ‘Mike’ C. Enriquez, who peacefully joined our Creator on August 29, 2023,” pahayag ng GMA Network na inilabas sa programa.

Maki-Balita: Veteran journalist Mike Enriquez, pumanaw na