Naging emosyunal si Senadora Grace Poe sa pagbibigay ng kaniyang mensahe sa half-sister na si Lovi Poe matapos itong ikasal sa British boyfriend (asawa na ngayon) na si movie producer Monty Blencowe.

Mapapanood sa video na ibinahagi ni Tim Yap na isa sa celebrities na imbitado sa kasal na ginanap sa London, United Kingdom, na noong una raw ay hindi niya alam na may kapatid pala siya sa yumaong amang si Da King Fernando Poe, Jr.

Masayang-masaya raw si Sen. Grace na nakilala niya si Lovi dahil hindi lang siya nagkaroon ng little sister kundi para na rin siyang nagkaroon ng anak na babae. Kasing-edad lang kasi ito ng kaniyang anak na si Brian Llamanzares.

Sana raw ay nabubuhay pa si FPJ para nakita nito ang paglalakad ni Lovi sa aisle, at tiyak na ito ang maghahatid sa kaniya sa altar.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"He would have been so proud of you! You are beautiful, you're very intelligent, and you're strong," anang senadora.

Tumayo si Lovi, nilapitan ang kaniyang ate, at emosyunal din na niyakap ito.

Ikinasal sina Lovi at Monty noong Agosto 26 sa England.