Para kay Kiray Celis ito na raw ang right time para bigyan ng reward ang sarili sa ilang taong pagtatrabaho para sa kaniyang pamilya. Kuwento niya, tatlong taong gulang pa lamang siya nang maging artista siya.

“Dahil ‘Family First’ ang motto ko sa buhay, sa isip ko laging sila ang priority. Kahit wag muna ako. Basta makatulong at makapagbigay ako, gagawin ko. Pero this time.. i think eto na yung right time. Para reward ko yung sarili ko sa ilang taong pagtratrabaho ko,” sey ni Kiray sa kaniyang Instagram post kamakailan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kuwento pa niya, tatlong taong gulang pa lamang siya nang maging artista siya. Ngayong 29-anyos na siya naisip niyang ito na ang right time para bigyan ng reward ang kaniyang sarili.

“Regalo ko napo ito sa sarili ko at maipaalala sa sarili ko, na basta nagsisikap at nagsisipag ka, kaya lahat! Makukuha lahat! Matutupad lahat! Isa palang po ito sa mga pangarap ko sa buhay,” anang aktres.

“Nagsisimula palang ako kaya gusto ko kayong pasalamatan lahat. Mapa heart sa status ko o bash sa sa mga post ko, lahat yun counted. WALA TO KUNG HINDI DAHIL SAINYO. Maraming maraming salamat po,” dagdag pa niya.

Ang kaniyang new baby ay pinangalanan niyang “Primo,” na ang Italian word aniya ng “first.”

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na mapagbigay si Kiray sa kaniyang pamilya. Kamakailan lamang ay binigyan niya ng bagong e-bike ang kaniyang ina.