Nakataas pa rin sa Signal No. 3 ang southern portion ng Batanes at northeastern portion ng Babuyan Islands bunsod ng bagyong Goring, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes ng hapon, Agosto 29.

Sa tala ng PAGASA nitong 2:00 ng hapon, namataan ang sentro ng Typhoon Goring 175 kilometro ang layo mula sa East Northeast ng Aparri, Cagayan o 190 kilometro ang layo sa East Southeast ng Calayan, Cagayan, na may maximum sustained winds na 155 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 190 kilometers per hour.

Mabagal itong kumikilos pa-west northwestward.

Dahil dito, itinaas ang Tropical Cyclone Signal Number sa mga sumusunod na lugar:

National

Manuel, naalarma sa epekto ng paglaganap ng Pornhub sa kabataan

Signal No. 3

  • Southern portion ng Batanes (Sabtang, Uyugan, Ivana, Mahatao, Basco)
  • Northeastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is., Calayan Is.)

Signal No. 2

  • Mga natitirang bahagi ng Batanes at Babuyan Islands
  • Extreme northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Santa Teresita)

Signal No. 1 

  • Northern at eastern portions ng mainland Cagayan (Baggao, Lasam, Peñablanca, Iguig, Amulung, Gattaran, Alcala, Santo Niño, Allacapan, Lal-Lo)
  • Eastern portion ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan)
  • Northern portion ng Apayao (Flora, Calanasan, Luna, Pudtol, Santa Marcela)
  • Northern portion ng Ilocos Norte (Vintar, Pasuquin, Burgos, Dumalneg, Adams, Pagudpud, Bangui)

Pinalalakas din umano ng Typhoon Goring ang southwest monsoon o habagat na magdudulot ng occasional o monsoon sa western portions ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw.

Sa track forecast ng PAGASA, posible umanong lumapit o mag-landfall ang bagyo sa vicinity ng Batanes bukas ng umaga o tanghali.

“During this period, the typhoon is forecast to persist in strength by the time it passes very close or over Batanes (although gradual re-intensifying and reaching into a super typhoon category is not ruled out),” saad ng PAGASA.

Inaasahan naman umanong lalabas Philippine area of responsibility (PAR) bukas ng gabi o sa Huwebes ng umaga, Agosto 31.