Viral sa social media ang Facebook post ng isang rider matapos niyang ibida ang ginawa sa kaniya ng babaeng customer na kumuha sa kaniyang serbisyo.

Ayon kay Noel Ajoc na mababasa sa online community ng riders at customers, nagulat siya sa ibinigay sa kaniya ng customer na hindi pa niya naranasan kailanman.

Kuwento ng rider, tinanong daw siya ng customer kung nagmeryenda na raw siya. Inaya pa raw siya ng customer kung gusto niyang mag-dine in sila. Tumanggi ang rider dahil nahiya siya.

Maya-maya, nagulat na lang ang rider nang pagbalik ng customer mula sa pagbili nito ng pagkain ay binilhan din siya ng pagkain mula sa sikat na fast-food chain.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

"Gusto ko lang i-share kanina si Ma'am na-pick up ko sa South Mall tapos drop off sa Makati. Bandang Chino Roces nagtanong si Ma'am kung nagmeryenda na ba raw ako sabi ko 'Hindi pa po Ma'am.' Tapos nag-aya si Ma'am Jollibee raw kami dine in sabi ko 'Hindi na Ma'am nakakahiya po busog pa rin naman po ako wait ko na lang kayo if may bibilhin kayo.'"

"Tapos yung pagbalik n'ya may pa-take out si Ma'am ng spaghetti saka isang 1pc chicken then drinks nakakatuwa lang na may mga ganito tayong cs (customer) ambait ni Ma'am thank you po ulit more blessings po."

Photo courtesy: Noel Ajoc's FB

Photo courtesy: Noel Ajoc's FB

Sa panayam ng Balita kay Noel, nais niyang makarating ang artikulo sa customer na naging mabuti sa kaniya.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!