Mahigit sa ₱106 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Philippine Navy (PN) sa karagatang sakop ng Tandubas, Tawi-Tawi kamakailan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa social media post ng Naval Forces Western Mindanao ng PN, naharang nila ang isang barko habang ibinibiyahe ang nasabing kargamento.

Sinabi ng PN, nagpapatrulya ang mga tauhan nito sa karagatan ng Baturapac Island nitong Agosto 23 nang mapansin ang kahina-hinalang barko na sakay ang 12 tripulante.

Nang inspeksyunin, natagpuan ang mga sakay na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱106,324,000.

Kaagad na kinumpiska ng mga awtoridad ang 2,798 kahon ng sigarilyo matapos mabigo ang mga tripulante na magharap ng kaukulang dokumento nito.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga nahuling tripulante.