Ilang kumpanya ng langis ang nag-anunsyo na magpapatupad ng dagdag-presyo sa kanilang produkto sa Martes, Agosto 29.

Ang Shell, Clean Fuel at SeaOil ay magdadagdag ng ₱.70 sa kada litro ng diesel habang ₱.30 naman ang ipapatong sa presyo ng bawat litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Shell at SeaOil ng dagdag na ₱.80 sa presyo ng kada litro ng kerosene.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Ang price adjustment ng Shell ay epektibo dakong 6:00 ng umaga at ipatutupad naman ito ng SeaOil dakong 4:00 ng hapon.