National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang paggunita ng Araw ng mga Bayani sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig nitong Lunes ng umaga.

Sa naturang seremonya, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagkilala sa mga bayani, tanyag man o mga itinuturing “everyday heroes,” gaya ng mga tumutugon sa sakuna, mga magsasaka, mga guro, pati na rin ang mga overseas Filipino worker (OFW) na ipinaglaban ni dating Department of Migrant Workers Secretary Toots Ople.

"Sa araw na ito, pinararangalan natin ang ating mga makabagong bayani ng ating panahon dahil sa kanilang malasakit at kabutihang loob naging mas mabuti ang kalagayan ng ating bansa ngayon," aniya.

Nararapat lamang aniya na magsilbing inspirasyon ang kanilang kabayanihan at hindi dapat isantabi dahil sa malaking kontribusyon ng mga ito sa bansa.

Nanawagan din ito sa publiko na itigil ang hindi pagkakaunawaan at magkaisa.

"'Wag naman natin ikulong ang ating mga sarili sa hidwaan at paghihilahan ng pababa. Sa halip maging instrumento tayo ng pagkakaisa, ng kapayapaan," dagdag pa ni Marcos.

May dagdag na ulat ni Betheena Unite