Hindi nakapagpigil ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes matapos pag-usapan at mapag-usapan pa nga ang kaniyang "Date or Pass" vlog kasama ang mga kaibigang sina Danica Ontengco, Bea Borres, at Criza Taa.

Dito kasi ay pinag-usapan ang pagkagusto niyang maka-date sina Jakob Poturnak, Kai Sotto, at iba pang male celebrities na kasama sa kanilang listahan.

Sa kaniyang TikTok video ay nilinaw ni Blythe ang kaniyang saloobin sa mga sinasabi ng mga tao sa kaniya habang siya ay nasa loob ng kaniyang sasakyan at naglalagay ng make-up sa kaniyang mukha.

Anang Andrea, alam daw niyang wala siyang pang-amoy subalit "naamoy" na raw niya kung ano-ano ang sinasabi ng netizens tungkol sa kaniya sa comment section, kahit hindi pa niya ito nababasa.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Palagay raw ni Andrea, maraming "boomers" ang nagsabing puro daw siya boys, hanap siya nang hanap, magpahinga naman daw siya, at to be harsh ay "malandi" siya.

Lalo raw siyang naloka nang mabalita pa siya sa TV5.

Muling nilinaw ni Blythe sa mga hindi pa nakakapanood ng kaniyang vlog na nag-disclaimer daw sila sa vlog na they are just having fun at don't take it seriously.

Kaya nga raw ginawa niya itong "Jojowain at Totropahin."

"Luhhh heto na naman tayo, sineryoso na naman yung dapat eh playtime lang..." ani Andrea.

"Sinabi ko lang naman na nagaguwapuhan ako sa tao, ano bang big deal do'n?"

Sa totoo lang daw, hindi raw kailangang "maghanap" ni Andrea dahil isang reply lang daw niya sa lalaking nagpaparamdam sa kaniya, tiyak na magkakaroon na siya ng instant date o jowa.