Ibinahagi ni "Dirty Linen" star Jennica Garcia ang kaniyang pagtingin sa kaniyang katambal na si Christian Bables, na nakasama niya sa nabanggit na trending na teleserye na katatapos lamang noong Biyernes, Agosto 25.

Marami kasi ang kinilig at hanggang ngayon ay kinikilig sa rapport nina "Lala" at "Max," on and off sa kanilang karakter. Sa totoong buhay kasi ay obvious din ang kanilang pagiging malapit sa isa't isa bilang magkaibigan.

Jennica inaming hiwalay na talaga kay Alwyn; annulment, inaayos na

View this post on Instagram

A post shared by Jennica (@jennicagarciaph)

Wish ng mga netizen, sana raw ay magkaroon pa ng proyekto sina Jennica at Christian, at huwag na sanang pakawalan pa ng ABS-CBN ang unica hija ng mahusay na aktres na si Jean Garcia, na tuluyan na ngang nakapag-comeback sa showbiz.

Paglilinaw ni Jennica sa panayam ng ABS-CBN News, kung may pagtingin man siya kay Christian, ito ay katumbas lamang ng pagtingin sa isang "brother" o kapatid na lalaki.

Ibinibigay niya ang kredito sa writers ng Dirty Linen kung inakala man ng mga manonood at netizens na may namumuong "something" sa kanilang dalawa.

Sa ngayon daw, mas nakapokus siya sa career at bilang isang single mom. Kung wala raw siyang mga anak, baka mas naging open din umano siya sa paghahanap ng bagong karelasyon.

Sa parehong panayam din ng ABS-CBN News, inamin ni Jennica na talagang hiwalay na sila ng estranged husband na si Alwyn Uytingco, at inaayos na rin nila ang annulment.