Lumikha ng salt art na may wangis ni Hesukristo ang seafarer at artist na si Jaypee Bacera Magno, 24, mula sa Iloilo bilang pag-welcome umano sa “ber” months na tanda na malapit na ang Pasko.

“You are the salt of the earth, but if salt has lost its taste, how shall its saltiness be restored? It is no longer good for anything except to be thrown out and trampled under people's feet. ~Matthew 5:13,” ani Magno sa kaniyang Facebook post.

Tinawag naman niya ang naturang obra “Jesus Christ Salt Artwork.”

Sa eksklusibong panayam ng Balita, dalawang oras din daw niyang ginawa ang kaniyang Jesus Christ Salt Artwork dahil first time daw niyang gumawa ng salt art.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Kulay itim na plato naman daw ang nagsilbing canvas niya rito habang cotton buds ang ginamit niyang pangporma sa iodized salt.

Sinabi rin ni Magno na tatlong taon na siyang gumagawa ng art gamit ang mga pagkain, condiments at iba pang makikita sa kusina tulad ng asin, chocolate spread, at iba pa biscuit.

Bilang seafarer mula 2021, malaking tulong umano sa kaniya ang paglikha ng sining lalo na tuwing stressed siya sa trabaho.

“Ito po ‘yung nagsisilbing libangan ko talaga lalo dito sa barko. ‘Pag nalulungkot po ako or stressed onboard, paggawa po ng artworks ang paraan ko para marelax,” kuwento ni Magno.

Kadalasan naman daw wangis ni Hesus ang subject ng kaniyang mga obra bilang tanda ng kaniyang pananampalataya sa Diyos.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!