Palaisipan sa mga netizen kung bakit "inunfollow" raw ni KC Concepcion ang kaniyang step father na si Atty. Kiko Pangilinan at kapatid na si Frankie Pangilinan sa social media platform na Instagram, ayon sa resibong inilapag ng "Fashion Pulis."

Ayon pa sa ibang ulat, mga "eagle-eyed" netizens ang nakapansin nito.

Photo courtesy: Fashion Pulis

Photo courtesy: Fashion Pulis

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi rin daw nakita si KC sa birthday celebration ni Kiko noong Agosto 24, 2023.

Gustong malaman ng mga netizen kung may "tampuhan" ba sina KC, Atty. Kiko at Kakie at kung ano ang sey rito ng nanay ng una na si Megastar Sharon Cuneta.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Ohmeygehs! Hahaha! What’s the tea on this everyone has unfollowed everyone. Miel too pero kc still follows her."

"Medyo naaawa ako kay KC parang di na nya alam kung saan lugar nya sa family side ni sharon. Saka parang nahihirapan sya makatagpo ng lalaki to settle down with kasi parang laging may say ang family nya sa side ni sharon sa mga nagiging jowa nya."

"Si KC mabait sya, pero as a daughter ayaw nya napagsasabihan. Sya na rin mismo nagsabi sa vlog nya na si Kiko ang tumayong ama nya for the longest time. Oh ngayon what happen? parang may nagsusulsol sa kanya."

"I think KC should grow up and stop putting the blame on her parents' separate lives/family to how/where she is now. Kasi sa tingin ko naman she's loved by her parents kahit magkahiwalay sila. Di ko tuloy maipigilan na i-compare sha kay Luis Manzano who turned out great kahit pa magkahiwalay ang parents nya."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina KC, Atty. Kiko, Frankie, at maging si Shawie hinggil sa isyung ito. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.