Inamin ni "Dirty Linen" star Jennica Garcia na hiwalay na talaga sila ng estranged husband na si Alwyn Uytingco at umaandar na rin ang proseso ng kanilang annulment.

"Definitely we are already separated," ani Jennica sa panayam ng ABS-CBN News habang siya ay nasa isang event.

"And then we are working on in our annulment," giit pa ng aktres.

Nilinaw rin ni Jennica na walang romantic relationship na nabubuo sa kanilang dalawa ng co-star sa Dirty Linen na si Christian Bables.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

"Walang gano'n, wala. Siguro effective lang po talaga 'yong pagkakasulat ng writers namin sa Dirty Linen..."

Kung may pagmamahal man daw siyang nararamdaman kay Christian, ito ay pagmamahal na kagaya ng isang "brother" o kapatid na lalaki.

Kaugnay pa ng panayam, sinabi ni Jennica na malaki ang naging impact at nagawa ng role niya bilang "Lala" sa DL dahil nakilala raw siya bilang ganap na aktres. Bukod dito, unti-unti na raw niyang nababayaran ang condo unit niya, at nakakapag-ipon-ipon na rin.

Bukod sa Dirty Linen, host din si Jennica sa PIE Channel na under din sa ABS-CBN. Kasama rin siya sa mini series na "Fractured" na mapapanood naman sa iWantTFC.