Napanatili ng Super Typhoon Goring ang lakas nito habang kumikilos patimog sa East Northeast ng Casiguran, Aurora, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo ng hapon, Agosto 27.

Sa tala ng PAGASA nitong 2:00 ng hapon, namataan ang sentro ng Super Typhoon Goring sa 90 kilometro ang layo sa East Northeast ng Casiguran, Aurora, na may maximum sustained winds na 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 230 kilometers per hour.

Mabagal itong kumikilos patimog.

Dahil sa naturang paglakas ng bagyong Goring, itinaas ang Tropical Cyclone Signal Number sa mga sumusunod na lugar:

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

Signal No. 3

  • Eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Dinapigue, Ilagan City, San Mariano)

Signal No. 2

  • Eastern portion ng mainland Cagayan (Peñablanca, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Santa Ana, Enrile, Tuguegarao City)
  • Northern at central portion of Isabela (Maconacon, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Benito Soliven, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Angadanan, City of Cauayan, Naguilian, Gamu, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quirino, Burgos, Reina Mercedes, Alicia, Luna, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Aurora, Cabatuan, San Mateo, San Isidro)
  • Extreme northern portion ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag)
  • Eastern portion ng Quirino (Maddela)

Signal No. 1 

  • Batanes
  • Mga natitirang bahagi ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
  • Mga natitirang bahagi ng Aurora
  • Mga natitirang bahagi ng Quirino
  • Mga natitirang bahagi ng Isabela
  • Apaya
  • Nueva Vizcaya
  • Ifugao
  • Mountain Province
  • Kalinga
  • Abra
  • Eastern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Vintar, Carasi, Nueva Era, Banna, Marcos, Dingras, Solsona, Piddig, Dumalneg, Bangui)
  • Pollilo Islands
  • Eastern portion ng Benguet (Bokod, Buguias, Kabayan, Mankayan)
  • Eastern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Bongabon, Gabaldon, Laur, Rizal)
  • Calaguas Islands

Samantala, inaasahan naman umanong magdudulot ng occassional rains ang pinalakas ng bagyo na southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw.

Kaugnay nito, magdudulot umano ang habagat ng gusty conditions ngayong araw sa Bataan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Dinagat Islands, at Camiguin.

GORING is forecast to begin its loop over the Philippine Sea east of Cagayan-Isabela area today. The super typhoon will then turn northeastward and northward tomorrow before shifting northwestward on Tuesday,” anang PAGASA.

On the track forecast, GORING will make landfall over the southern portion of Taiwan on Wednesday evening or on Thursday early morning,” dagdag nito.

Inaasahan naman umanong mananatili sa super typhoon category ang bagyo hanggang sa mag-landfall ito sa southern Taiwan.