Pinuri ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pagsisikap ng koponang Gilas Pilipinas at sinabing nakasuporta ang buong bansa sa kanilang laban sa 2023 FIBA World Cup, sa kabila ng kanilang pagkatalo sa Dominican Republic sa kanilang unang laro nitong Biyernes, Agosto 25. 

“A valiant effort by Gilas Pilipinas! Already you have proven that Filipino athleticism is world class,” pahayag ni Marcos sa isang Facebook post.

“The nation stands in full support of your 2023 FIBA World Cup journey,” dagdag niya.

Matatandaang lumaban ang Gilas Pilipinas kontra Dominican Republic nitong Biyernes ng gabi, ngunit nabigo sila sa score na 81-87.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

MAKI-BALITA: 6 pts. lang: Gilas Pilipinas, taob sa Dominican Republic

Samantala, nagalak naman ang Pangulo nang maabot ng Pilipinas ang target nitong malagpasan ang world record matapos magkaroon ang opening day ng FIBA World Cup ng 38,115 basketball fans na nagchi-cheer sa loob ng pinakamalaking indoor arena, na may kapasidad na 55,000-seat.

“Congratulations as well to every attendee who helped set a new crowd record! ” saad ni Marcos.

Natalo ng bilang ng fans sa loob ng Philippine Arena nitong Biyernes ng gabi ang dating record na 32,616 attendees sa World Cup 1994 Final sa SkyDome sa Toronto, Canada.

Personal na nasaksihan si Marcos ang opening day ng 2023 FIBA World Cup, kung saan saglit din siyang nakadaupang-palad ng mga manlalaro ng Gilas Pilipinas sa pagtatapos ng second quarter ng kanilang laro.