Inamin ni Chie Filomeno na nasa dating stage na sila ng kapwa Kapamilya star na si Jake Cuenca.

Naganap ang rebelasyon at kumpirmasyon sa isinagawang media conference para sa pelikulang "A Very Good Girl" sa Studio 8 ng ABS-CBN noong Agosto 23.

Sa ngayon daw ay nasa dating stage pa silang dalawa.

"We're talking. Taking our time. You can say dating, of course, yes,” ani Chie.

Jake Cuenca, may sey na sa real score nila Chie Filomeno!

"'Yung maganda kay Jake ay he knows where my heart is. Alam niya ang priority ko and hindi niya ako minamadali. Very gentleman siya and he respects my decisions. He's willing to wait," dagdag pa.

Dahil dito, ayon sa ulat ng "Fashion Pulis" ay nakalkal daw ng mga netizen ang video noon ni Chie habang kino-comfort ang ex-girlfriend ni Jake na si beauty queen-actress Kylie Verzosa.

May titulo itong "Past and Present? Video of Chie Filomeno Comforting Kylie Verzosa Resurfaces."

Nagkasamang maging hurado sa segment na "Showtime Sexy Babe" ng "It's Showtime" sina Chie at Kylie noong 2022 nang maging emosyunal ang huli dahil sa naging break-up nila ng aktor.

Sa nabanggit na video, makikitang pinag-uusapan ng hosts na sina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at Vice Ganda ang isang isyu patungkol sa pag-ibig.

Biglang nabaling ang atensyon ni Vice kay Kylie, at nang sumagot naman ang beauty queen-actress ay naging emosyunal ito.

To the rescue naman sa pag-comfort sina Vice at ang kapwa hurados na sina Chie at Ruffa Gutierrez.

Sa comment section ng ulat ay nagkomento naman dito ang mga netizen.

"They're not friends naman e nagkataon lang na same judge sila. Mas weird pag friends sila."

"Awkward."

"But kylie is doing great without Jake, and his new BF is rich riiiich! And tall and good looking..."

"Hindi naman siguro awkward that time kasi hindi naman nya alam na sya pala yung susunod"

"Maisyu ang mga tao. During that time, hindi pa umuusbong yung news na nagpaparamdam si Jake kay Chie."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Chie hinggil sa isyung ito.