Nagtapos na ang trending na revenge-themed series na "Dirty Linen" ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN, nitong Biyernes ng gabi, Agosto 25.

In fairness ay hindi nawala sa trending topics sa social media platforms ang nabanggit na serye, simula day 1.

Pumalo na nga sa billion views ang mga nanood nito sa TikTok.

Halo-halo ang naging reaksiyon at komento ng mga netizen sa naging ending, dahil hindi raw ito ang tipikal na pagtatapos ng isang serye, na kadalasan kasi ay masaya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero sa seryeng ito, hindi nagkatuluyan ang mga karakter nina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo, gayundin sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Namatay naman ang karakter nina Epy Quizon, Joel Torre at Tessie Tomas.

Nakulong naman ang karakter ni Angel Aquino at tumayong mag-isa ang mga anak niyang ginagampanan nina Xyriel Manabat at Raven Rigor.

At ang nakakaloka rito, na-trap at nabaon nang buhay sa kanilang basement sina John Arcilla at Janice De Belen.

Itong basement na ito na nasa "secret chamber" sa hardin ng bakuran ng mga Fiero ay pinagtataguan ng mga pera at mga ginto ng pamilya.

Sa pagsabog ng bomba na itinanim ni "Carlos Fiero" sa hide-out na pinagdalhan kay "Alexa" (Janine), natabunan ng mga debris ang bukana papasok at palabas ng basement.

Eh sina "Aidan" (Zanjoe) at "Chiara" (Francine) eh umalis na sa kanilang mansyon para magpakalayo-layo. Hindi nila knows ang tungkol sa sikretong basement, at lalong wala silang ideya na nasa loob nito ang mga magulang nila.

Kaya naman, hanggang ngayong Sabado, Agosto 26, ay mainit na pinag-uusapan ang nabanggit na finale episode.

"Ang galing! Iyan ang finale!"

"Not typical ending. Kudos sa team!"

"Parang nabitin ako kasi ang dami pang tanong..."

"Baka may sequel ito?"

"Sana may sequel ito! Hindi kasi pinatay sina Carlos and Leona so baka makaalis pa sila, sila naman ang gaganti kina Alexa at sa iba pa."

"What makes #DirtyLinen so perfect is that it's a story with a clear end. In the end, the recompense of the wicked is extremely satisfying. The intense acting, intelligent writing, the ever-iconic musical score and brilliant directing create such a captivating show. #DLPagwawakas."

"This scene is a solid 100/10!! The acting skills of these two are on a different level talaga. it's so creepy din omg it shows na hanggang sa dulo, pera pa rin ang nasa utak ni Carlos. HIS PRIDE hahahah I got scared tbh #DLPagwawakas #DirtyLinen DIRTY LINEN POWERFUL FINALE."

"Although it was a satisfying ending but I want more!!"

https://twitter.com/deepdish1216/status/1695082157029589370

Bukod sa mga eksena, trending din ang DL dahil sa mga "shades" daw na ipinakikita nito sa kasalukuyan.

Samantala, ang papalit naman sa time slot ng DL ay "Senior High" sa pangunguna ni Andrea Brillantes at iba pa.

Narito rin sa seryeng ito sina Angel Aquino at Xyriel Manabat na bahagi rin ng nagtapos na serye. Ang mga direktor nito ay sina Onat Diaz at Andoy Ranay na siyang direktor din ng DL.