Natawa na lamang ang Kapuso star na si Sanya Lopez nang mabasa ang X post ng isang netizen tungkol sa kaniya at sa character actor na si "Thou Reyes" na nakasama niya sa seryeng "First Yaya" noong 2021.

Ayon kasi sa netizen, "namamangka raw sa dalawang ilog" si Sanya dahil may boyfriend na raw siya na si Thou, nagsasayang pa raw siya ng oras kay Kapuso star Alden Richards.

Kalakip pa ng X post ang litrato nila ni Thou mula sa isang news site, kung saan makikitang nakayakap si Thou kay Sanya.

"Long time boyfriend of Sanya Lopez. Just wondering why she keeps on wasting her time to Alden where in fact she has na a long time Bf . Mamamang ka sa 2 ilog 🙏💊," sey ng netizen.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

https://twitter.com/eggie0809/status/1695004172968706364

Bagay na pasimpleng pinalagan ni Sanya, lalo na sa sinabi nito na boyfriend niya si Thou.

"AHAHAHAHAHAHHAHA hi boyfiiieeeee @thou_ism AHAHAHAHAHA sakit ng tiyan ko..wait," aniya.

Ang "namamangka sa dalawang ilog" ay isang idyomatikong pahayag sa wikang Filipino na nangangahulugang "two timer" o may dalawa o higit pang karelasyon nang sabay-sabay.