"Pass" ang sagot ng vlogger/social media personality at aktres na si Bea Borres para kay Kapamilya heartthrob Joshua Garcia, kung sakaling mabibigyan siya ng pagkakataong maka-date ito.

Sa vlog ng kaibigang si Andrea Brillantes kasama pa sina Danica Ontengco at Criza Taa, isinigawa nila ang "Date or Pass (Spicy Edition)" challenge kung saan isa sa male celebrities na napabilang sa listahan nila ay si Joshua.

Pare-pareho daw kasi silang single ladies ngayon kaya napagpasyahan nilang gawin ang Date or Pass challenge.

Sa bandang dulo ng vlog, lumabas ang larawan ni Joshua.

'I'm single now!' Andrea Brillantes bet maka-date si Jakob Poturnak

"Sorry mukha siyang red flag," diretsahang sey ni Bea.

"Pass" din ang sagot dito nina Andrea at Criza.

Ang rason naman ni Criza, "kuya" lang ang tingin niya kay Josh.

Samantala, sa lahat ng mga lalaking naisa-isa nila, nagmarka ang sagot ni Andrea sa anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak.

"I would definitely date. Gusto ko lang sabihin na dati nagpakilala siya sa akin. I was with Bea. Kaso ka-holding hands ko yung ex ko nun. Tapos nagpakilala siya sa akin. Sabi niya 'Hey, I'm Jakob.’ Gwapong-gwapo na ako sa kaniya dati pa," pag-amin ni Blythe.

At walang pag-aatubiling "nagparamdam" na nga ang aktres kay Jakob.

“Hi, Jakob! If you're watching, I'm single now. Pero if taken ka, baka pwede 'yung sister mo na lang. I would date Erika," aniya.

Going back to Joshua, matatandaang nali-link ngayon ang aktor sa Filipina-French athlete na si Emilienne Vigier.

Bukod dito, na-link din siya sa iba pang babae gaya nina Ateneo Lady Eagle Trina Guytingco at Batangueña vlogger Bella Racelis.

Nagpahayag naman ng paghanga sa kaniya sina Kapamilya star-vlogger Ivana Alawi at Filipino-American singer Bella Poarch.

Bago ang lahat ng ito, naging ex-boyfriend muna siya ni Julia Barretto, na ngayon ay jowa naman ni Gerald Anderson.

&t=57s