Inamin ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes na nang una niyang masight sung ang anak ni Ina Raymundo na si "Jakob Poturnak" ay naguwapuhan siya rito, ayon sa vlog na "Date or Pass" nila ng kaniyang kaibigan.

Pero sey ni Andrea, nang makita niya si Jakob ay in a relationship siya nang mga sandaling iyon.

Ngayong single na siya ulit, kung mabibigyan daw ng pagkakataon ay makikipag-date siya kay Jakob.

"I would definitely date. Gusto ko lang sabihin na dati nagpakilala siya sa akin. I was with Bea. Kaso ka-holding hands ko yung ex ko nun. Tapos nagpakilala siya sa akin. Sabi niya 'Hey, I'm Jakob.’ Gwapong-gwapo na ako sa kaniya dati pa," pag-amin ni Blythe.

Andrea, binasag basher; 'kababae niyang tao,' siya nag-aya ng promposal kay Ricci

At walang pag-aatubiling "nagparamdam" na nga ang aktres kay Jakob.

“Hi, Jakob! If you're watching, I'm single now. Pero if taken ka, baka pwede 'yung sister mo na lang. I would date Erika," aniya.

Si Erika Poturnak, na sis ni Jakob, ay "on and off" naman kay Kobe Paras.

Nauna nang sinabi noon ni Andrea na sana raw, i-normalize na ang "first move" ng mga babae kung may gusto sila sa mga lalaki.

Nangyari ito sa "promposal" niya sa noo'y boyfriend pang si basketball star player Ricci Rivero para sa "Star Magical Prom."

"Also, it's high time we stop shaming girls for making the first move even on other instances," giit ng aktres.