Ikinaloka hindi lamang ng live audience kundi maging ng netizens ang kumakalat na video ng aktor na si Albie Casiño habang siya ay kumakanta bilang guest performer sa naganap na "Mutya ng Cotabato Grand Coronation Night kamakailan lamang.

Ayon sa netizens, hindi nila malaman kung lasing ba o kuwela lang talaga si Albie habang kinakanta ang "Pangarap Lang Kita" ng Parokya ni Edgar at "Habang Buhay" ni Zack Tabudlo.

"Ano guys, gusto n'yo pa ng isa pa o ayaw n'yo na? Okay lang naman kung ayaw n'yo na. O, DJ, isa pa daw," aniya bago nag-segue sa "Habang Buhay".

Harana ni David Licauco sa Miss Grand PH, naokray; Luis Hontiveros, 'nakaladkad'

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Shot puno na Albie!"

"Tama na 'yan, inuman na!"

"On a side note sa mga hindi nakakilala kay Albie or nakasubaybay sa kaniya lalo na sa PBB days n'ya (Pinoy Big Brother) is he's a very real person, and I'm sure na hindi po s'ya lasing, I think it is his way to entertain us, kasi alam naman natin na hindi s'ya singer. Natuwa kami kagbi sa gym actually, parang napawi n'ya yung kaba ng mga kandidata..."

"Di ko po alam kung lasing o hindi? Anong sey nyo mga kapamilya?"

"Itong mga organizer ng pageant, bakit hindi na lang singers o performers talaga kunin ninyo para hindi ganyan?"

Matatandaang bukod kay Albie, nauna nang maokray bilang guest performer sa pageants sina Marco Alcaraz, Luis Hontiveros, at David Licauco sa magkakaibang events na kanilang dinaluhan.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Albie tungkol dito. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.