Tuluy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng relief goods sa mga lugar na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Sa social media post ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang ipinamahaging family food packs ay bahagi ng augmentation support ng ahensya sa mga local government unit (LGU) na nasa palibot ng Mayon Volcano.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nasa 33,000 food packs ang naipamigay na sa mga LGU mula Agosto 24.

"One box of FFP consists of 6 kilograms of rice, four cans of tuna, four tins of corned beef, two canned sardines, five sachets of coffee, and another five sachets of cereal drinks that will cover two days of food provision for a family of five," ayon sa pahayag ng ahensya.

Matatandaang lumikas ang libu-libong residenteng nasa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa tumitinding pag-aalburoto ng Mayon nitong Hunyo.