“Gusto ko lang naman maghanap-buhay. 🤣”

Marami ang naaliw sa post ng painter na si Sarah Del Rosario, 33, mula sa Quezon, Nueva Ecija tampok ang pilit na pagsusumiksik ng kaniyang fur babies sa kaniya habang tinatapos ang kaniyang obra.

“Ang luwang-luwang, sa naghahanapbuhay pa sumisiksik," kwelang saad ni Del Rosario sa kaniyang Facebook post na umani na ng mahigit 3,500 reactions at 41 shares.

“Clingy naman ng bebe, sooo sweeeeet ,” komento pa ng isang netizen sa naturang post.

Human-Interest

Concerts, certified stress reliever ayon sa psychologist?

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Del Rosario na sampu ang lahat ng kaniyang mga aso at talagang naglalambing umano ang mga ito sa kaniya kahit tuwing nagpi-paint siya.

“Ganyan po talaga sila, kapag nagpi-paint ako, karamihan sa kanila nakasiksik sa akin, pero never po sila nanira ng painting, tsinelas lang po sinisira,” natatawang kuwento niya.

Full time painter daw talaga si Del Rosario at nagsimulang magbenta ng kaniyang paintings noong 2021.

“Solitary job ang painting, kaya kahit na minsan cause of delay ‘yung mga alaga kong malalambing, super helpful nila sa’kin kasi kahit abutin ako ng gabi sa studio, may kasama ako sa puyatan,” ani Del Rosario.

“Stress-reliever din kasi ang mga aso. Sila po ang comfort buddies ko. Isa lang po kasi anak ko.  Pero dahil sa kanila feeling ko ang dami ko nang anak. At ang daming nagmamahal sa’kin,” saad pa niya.

Masaya rin daw si Del Rosario dahil maging ang 10-anyos niyang anak ay malapit sa malalambing nilang fur babies.

“Kapatid din ‘yung turing niya sa mga aso namin,” saad ni Del Rosario.

“Minsan may matanda na nagtanong sa kaniya if may kapatid siya, seryoso niyang sinabi, sampu po. Madami akong kapatd. Kahit nag-iisa lang naman siya,” dagdag pa niya.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!