Aminado ang 62-anyos na action star na si Jeric Raval na hindi niya suportado ang pagpapa-sexy ng anak na si AJ Raval at hindi niya rin kinayang panoorin ang pelikula nito.

Ikinuwento ni Jeric sa kaniyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda" noong Agosto 23, na minsan na ring na-reject si AJ sa showbiz. Katunayan, nagulat na lang daw ang siya na artista na ang anak sa ViVa.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Nagulat na lang ako artista na siya sa ViVa. Tinatago niya sa akin ‘yung mga pelikulang ginagawa niya kasi alam niyang hindi ko siya sinusuportahan sa ganoong projects eh. Kaya lang nandiyan na wala na ako magawa,” saad ni Jeric.

Itinanong naman sa kaniya ni Boy Abunda kung totoo ang napabalitang inimbitahan siyang manood ng pelikula ni AJ at nang palapit na raw ang intimate scene ay nag-walkout ito.

“Ganoon pala ‘yun. Hindi ko kayang panoorin. Lumabas ako, sabi ko na lang nag-ring ‘yung phone ko pero ang totoo nun hindi ko kayang panoorin. Miski hindi totoo, alam naman nating kunwari lang ‘yon. Hindi ko kayang panoorin,” sagot naman ng aktor.

Mapapanood ang ilang mga nagawang pelikula ni AJ sa Vivamax. Samantala, mapapanood naman si Jeric sa inaabangang remake ng pelikulang “Maging Sino ka Man” na pinagbibidahan nina David Licauco at Barbie Forteza.