Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit sa ₱18.3 na halaga ng cocaine mula sa Ethiopia matapos tangkaing ipuslit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Huwebes ng gabi.

Sinabi ng Bureau of Customs (BOC), hindi na muna nila isinapubliko ang pagkakakilanlan ng babaeng pasaherong may-ari ng bagaheng pinagtaguan ng illegal drugs.

Sa paunang imbestigasyon ng BOC, dumating sa NAIA ang suspek, sakay ng Ethiopian Airlines ET 664 mula sa Addis Abiba, Ethiopia nitong Agosto 24. 

Metro

College student na suma-sideline bilang rider para sa pamilya, patay sa pamamaril

Gayunman, nabuking ang suspek na nagtatago ng cocaine sa kanyang bagahe matapos idaan sa X-ray ang bagahe nito.

Umaabot sa ₱18,306,200 ang halaga ng illegal drugs na nasamsam sa suspek na nahaharap na sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.