Tila may shocking revelation ang aktres na si Jennica Garcia tungkol sa kanila ng kaibigang si Christian Bables sa morning show na “Magandang Buhay” nitong Huwebes, Agosto 24.

Bahagi ng kwentuhan sa “Magandang Buhay” ng ABS-CBN ang tungkol sa kanilang pagkakaibigan nang naging magkatrabaho sila noong 2016.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“I’d like to think na close tayo noon or nag-assume lang ba ako?” natatawang tanong ni Jennica kay Christian.

“Close tayo nun,” sagot ni Christian.

“Kaya lang bigla ka lumayo sa akin,” sundot na sabi ni Jennica, na nagpatili sa mga host ng morning show na sina Regine Velasquez, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

“Ay may ghosting na naganap!” sey ni Regine.

“Noon palang pala uso na ang ghosting,” sey naman ni Jolina.

“Let me explain, let me explain,” saad ni Christian.

“Ayusin mo ‘yung explanation. So tama nga close na nga tayo noon ‘di ba tapos bigla kang lumayo,” sabi ni Jennica kay Christian.

“Kasi may nalaman ako,” sagot ng aktor. “Paano ko ba i-eexplain sarili ko… Hindi ‘yun paglayo. Pagrespeto… gusto kong i-lugar ‘yung sarili ko that time. Kasi ayokong makasira ng relationship.”

“So nagbigay-daan ka ganun?” tanong ni Jolina.

“Hindi ako nagbigay-daan kasi wala akong dapat bigyan ng daan kasi nasa kaniya yung daan. So, nilugar ko lang ‘yung sarili ko kahit na gustong-gusto kitang [Jennica] i-text non. Naalala ko, I even kept on texting you sa Viber. Oo triny ko. Noong naramdaman ko na ‘okay itong taong ‘to, she wants to keep her family happy intact and healthy.’ So kahit na ako… gusto ko ‘yung pure friendship na mayroon tayo pero kasi—ang hirap naman oo—may tendency kasi na kapag pinagpatuloy ko puwedeng [mahulog] pero that was during that time, 2016 way back 2016,” paglalahad ni Christian na ikinagulat din mismo ni Jennica.

“At saka during that time siguro ako lang ‘yung may alam. Hindi ko pinapaalam sa kaniya,” dagdag pa ng aktor.

Gulat na gulat pa rin si Jennica sa naging rebelasyon ni Christian sa mismong morning show.

“Hindi. Hindi ko nga alam. Ngayon ko lang nalaman kaya nagulat ako,” sey ng aktres.

Makalipas ang ilang taon, muling nagkasama sina Jennica at Christian sa teleseryeng “Dirty Linen.”