Usap-usapan ang pinakawalang post ng komedyante at "Eat Bulaga!" host na si Buboy Villar na ipinost niya sa kaniyang "Threads" account at makikita rin sa kaniyang Instagram story.

Tungkol sa kabitteran ang post, na wala namang binanggit na kahit sino, subalit ayon sa iba't ibang naglalabasang ulat, ay ikinokonekta ng mga nakabasang netizens sa kanilang katapat na noontime show na "Eat Bulaga!" lalo't hindi pa tapos ang labanan patungkol sa titulo ng programa.

Ayon sa post ni Buboy, "Piliin maging better kaysa bitter."

Photo courtesy: Buboy Villar's Threads via IG

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Ok yan it’s better than bitter."

"Tama ka buboy always positive huwag pansin Ang basher mga bitter iyan ayusin m na lng Ang trabaho mo"

"HAHAHAHAHAHA BASTA WALANG TANGGALAN NG MIC KAPAG NAGPASALAMAT SA TVJ AT LEGIT DABARKADS ANG WINNERS NYO AH HAHA"

"Shucks! As if napakatagal na sa noontime show para magbitaw ng ganyang salita. Better magpakumbaba kaysa magyabang, realtalk lang EMPLEYADO ka lang din na pwede rin palitan."

"True naman ung cnabi ni Buboy!"

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Buboy Villar tungkol dito. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.