Biniro ng mga netizen ang hunk actor na si Marco Gumabao matapos i-post ng jowa niyang si Cristine Reyes ang sweet photos nila ng komedyanteng si Empoy.

"Kinilig" kasi sila sa chemistry daw nina Empoy at Christine na magkatambal sa pelikulang "Kidnap for Romance" na mapapanood na sa Setyembre 6, 2023 sa mga sinehan.

Sa mga ibinahaging larawan ni Cristine, makikitang nilalapi-lapirot pa niya ang bibig ni Empoy. May mga pics pa silang nakahiga na sila sa sahig, at parang si Cristine pa ang kilig na kilig at "patay na patay" pa sa komedyante.

Kaya naman kinantyawan ng mga netizen si Marco sa comment section.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Hindi ako makapaniwala sa ipinalit kay Marco hahaha."

"Marco left the group."

"Marco left the earth!"

"Kabahan ka na Marco Gumabao!"

"Kaloka, mas guwapo pa si Empoy kay Marco hahaha."