Maraming nagtataka ngayon kung anong nangyari sa Instagram account ng beauty queen, model, at TV personality na si Maggie Wilson matapos mapag-alamang "unavailable" na ito sa nabanggit na social media platform.

Kapag hinanap kasi sa IG ang account niya, ang lalabas ay "Sorry, this page isn't available. The link you followed may be broken, or the page may have been removed. Go back to Instagram."

Photo courtesy: Screenshot from Maggie Wilson's IG

Kaya palaisipan ngayon ng mga netizen, ano raw nangyari sa IG account ni Maggie? Nag-deactivate, na-hack, o naireport?

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

O baka naman daw "legally advised" ang pagtanggal sa kaniyang account dahil na rin sa hindi pa natatapos na sigalot sa pagitan nila ng estranged husband na si business magnate Victor Consunji, batay sa comment section ng "Fashion Pulis" na isa rin sa mga nag-ulat nito.

Narito ang ilan sa mga pala-palagay ng mga "marites" sa umpukan.

"Para mapag-usapan ano pa ba?"

"Hala... paano na ang legal battles? dami naming naka abangers pa naman"

"Baka hinack?"

"For the clout?"

"Nag delete kasi pwedeng gamitin against her ung mga naka post"

"Baka ni-report ng mga kalaban niya kaya nadeactivate"

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Maggie tungkol dito.