Dalawampu't apat na taong gulang na pala ang beauty queen-actress na si Herlene Budol na ipinagdiwang niya kamakailan lamang.

Sa kaniyang social media posts, sinabi ni Herlene na ang sarap-sarap daw sa pakiramdam balikan ang kaniyang nakaraan, at kung ano na ang narating niya sa kasalukuyan.

In fairness naman kasi, talagang nag-level up si Herlene lalo na sa kaniyang pisikal na anyo, at pagsabak na nga sa beauty pageants na nagkaka-special awards at rank din naman, hindi man makuha-kuha pa ang mismong titulo.

Wala na nga yatang tumatawag sa kaniya ng "Hipon Girl."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Happy birthday🎉"

"Ang sarap balik-balikan ang buhay kung saan ka nagsimula," ani Herlene.

"I am beyond grateful for those people who help me to grow and to become who I am today."

"Thank you Lord it’s my birthday 🎉."

Kalakip ng kaniyang IG post ang mga litrato niya habang nakasuot ng white gown, may putong na korona sa ulo, at tila nasa isang barong-barong.

Ang nagbukas ng pintuan sa kaniya upang sumali sa beauty pageants ay si Wilbert Tolentino na kalaunan ay bumitiw na rin sa pag-handle sa kaniya.

Ang dahilan ni Wilbert, kailangan daw niyang tutukan ang junakis niya at maglaan ng oras para dito. Priority rin ni Wilbert ang kalusugan niya.

Sa acting naman ni Herlene, nasa ilalim naman siya ng pamamahala ng Sparkle GMA Artist Center.