
(Manila Bulletin File Photo)
Halos ₱85M jackpot sa Mega Lotto 6/45 draw, walang nanalo
Walang naitalang nanalo sa halos ₱85 milyong jackpot para sa Mega Lotto 6/45 draw nitong Miyerkules ng gabi.
Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 26-43-13-42-45-39 para sa jackpot na ₱84,909,679.00.
Sa draw naman ng Grand Lotto 6/55, wala ring tumama sa 6-digit winning combination na 18-12-29-07-28-50.
Nasa ₱79,392,769.80 ang jackpot para sa nasabing lotto game.
Binobola ang Mega Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado naman ang draw ng Grand Lotto 6/55.