Nag-aalok ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT)-Line 2 para sa mga atleta at delegado ng 2023 FIBA Basketball World Cup na magsisimula sa Agosto 25 sa Philippine Arena, Bulacan.

Bukod sa atleta at delegado, kabilang din sa makakakuha ng libreng sakay ang mga coach, miyembro ng FIBA WC Organizing Committee, volunteer, safety and security at accredited media.

National

Enrile matapos ‘banta’ ni VP Sara kay PBBM: ‘It seems, some people want a regime change’

Sinabi ng LRT-2 management, bahagi lamang ito ng pagsuporta nila sa Philippine Sports Commission (PSC).

"Ipakita lamang ang FIBA Accreditation Pass para i-avail ang libreng sakay," ayon sa abiso ng LRT-2.

Ang free rides ay simula Agosto 23 hanggang Setyembre 12.