Ang "A Very Good Girl" pala ang kauna-unahang pelikula ni Golden Globes Awards nominee Dolly De Leon sa Star Cinema na ipinagdiriwang ang 30th anniversary.

Nang malaman daw ni Dolly na si Kathryn ang makakatrabaho niya sa proyekto, walang patumpik-tumpik at agad-agad niyang tinanggap ang offer.

Matagal na raw siyang fan ni Kathryn at bet na bet niya ang akting nito sa "Hello, Love, Goodbye" noong 2019. Isa pa, tingin daw niya kay Kath ay napakabait nito.

Nang magkasama sila sa proyekto, napatunayan ni Dolly na hindi lang pala siya mabait kundi cool din.

Official trailer, poster ng 'A Very Good Girl' ipinakita na

Nang usisain naman ang aktres kung sino pa ang wish niyang makatrabaho sa Star Cinema, ang unang sinabi niya ay ang Asian Academy Creative Awards winner at tinaguriang "Silent Superstar" na si Jodi Sta. Maria.

Sumunod daw, si "Star For All Seasons" na si Vilma Santos-Recto.

Sa lalaking artist naman, ang mahusay na aktor na si Jericho Rosales.

Bongga si Dolly dahil tila sunod-sunod na ang proyekto niya sa Star Cinema kung sakaling mag-boom sa takilya ang A Very Good Girl.

Inilabas na ang official trailer gayundin ang unveiling ceremony ng kanilang official poster, sa ginanap na grand media conference para dito nitong Miyerkules, Agosto 23, na ginanap sa Studio 8 ng ABS-CBN.