Tuloy pa rin ang pagpapalabas ng physical copy ng national identification (ID), ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Katwiran ni DICT Undersecretary for special concerns Paul Joseph Mercado, inuuna lang nila ang pagpapalabas ng digital ID.

National

Desisyon sa impeachment trial vs VP Sara, ‘walang assurance’ na magiging patas – Pimentel

"Recently nagkaroon po tayo ng pagbabago at nagkaroon po tayo ng innovation para magkaroon ng digital form for the National ID. Pero hindi po nito binubura o inaalis 'yung pag-i-issue ng physical ID, mas mauuna po ang ating digital ID," anang opisyal.

Pnayuhan ni Mercado ang publiko na kailangan lamang na i-download sa mobile phone ang e-gov ph super app upang makakuha ng ID.

"Magreregister lang po sila sa app, ilalagay po ang pangalan nila, tapos meron pong access na dun sa database at lalabas na po dun ang registration," pahayag pa ni Mercado.