Sa halos na apat na taong kasama ang social media personality na si Zeinab Harake, isa raw si Jahan Keeve Visperas, driver ni Zeinab, sa mga saksi sa lahat ng pinagdaanan ng kaniyang Madam Zeinab.

Sa isang Facebook post kamakailan, ikinuwento ni Visperas na nakita niya kung paano magmahal si Zeinab. Nakita rin aniya ang mga naka-date nito.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Almost 4 years nakong Driver ni Madam. And since 2020 up to now, isa ako sa Buhay na Saksi, sa lahat lahat lahat ng pinag daanan niya. I saw her glow, I saw her smile, I saw her pure heart when it comes to love. Nakita ko din mga naka date niya, basically normal na tao din naman kasi siya. Minamasama lang ng iba yung actions niya kasi nga si Zeinab siya,” ani Visperas.

“But then, to the deeeeeepest and the lowest part of her life, nakita ko na hindi siya nasaktan. Sinaktan siya intentionally, physically and mentally,” dagdag pa niya.

Kuwento pa ng driver ni Zeinab, kinarma rin daw ang social personality ngunit kinarma umano sa pagpili nito sa mga maling tao. Pero ang the best part daw ay ang grabeng blessings ang ibinalik sa kaniya.

“Akala niyo ba di siya kinarma? Well kinarma din siya sa pag pili niya sa mga maling tao, but the best part is grabe yung bawi at blessings na binalik sakanya,” aniya.

Bagamat may respeto kay Bobby Ray Parks, Jr. bilang boyfriend ni Zeinab, hangad lamang ni Visperas na sana ay walang mangyaring “change of heart.”

Nakikita niya naman daw kay Bobby Ray kung paano nito i-respeto ang mga tao sa bahay ni Zeinab na hindi umano nila naranasan sa mga dating naging nobyo ni Zeinab.

“I’ll be honest, I appreciate and I respect Brp as her Partner and Father of Bia and Lucas, hands up literal! But we still hope na sana walang change of heart na mangyari. Di naman sila Perfect Relationship eh, si Brp kasi he thinks for everyone, and when I say everyone lahat ng nasa bahay love and nirerespeto niya. Na hindi namin naranasan sa mga dating ipis na tumira sa bahay,” saad ni Visperas.

Ang importante raw sa ngayon ay deserve nina Zeinab at Bobby Ray kung ano ang meron sa pamilya nila.

“What important now is They Deserve the love kung ano meron ang pamilya nila, and as long as happy sila we should be all happy for them. Kung ano man mangyari sa future, labas na tayo don. Because we have our own lives, and they have their own,” pagtatapos ni Visperas.

Samantala, ishinare naman ni Zeinab ang nasabing post ni Visperas sa kaniyang Facebook at may caption na: “4yrs and forever wag kang sumuko kabomba whahahahaha.”