Patuloy na hinahangaan ang bag designer at graphic artist na si Miko Aya Currimao, 29-anyos mula sa Morong, Rizal dahil sa kaniyang mga ibinebentang fashionable bags, na gawa lang naman sa mga paper bags ng branded items!

Magmula sa Gucci, Prada, Louis Vuitton at iba pang branded items na kadalasan ay itinatapon lamang o itinatabi na, hindi iyan uso kay Miko. Nagsimula raw siya sa ideya ng pagreresiklo noong lockdown.

"It was started nung lockdown na halos wala po mapagkaabalahan e meron akong magandang paper bag at nag-isip ako ng puwede kong gawin para mapatagal ko yung life span at magamit ko din as a fashionable bag," ani Miko sa panayam ng Balita sa kaniya.

Human-Interest

Concerts, certified stress reliever ayon sa psychologist?

"I came up with this idea kasi dream ko din magkaroon ng luxury bags and I find it unique and innovative," dagdag pa niya.

"Yung mga repurposed paper bag po ay hindi pinagbebenta pero puwede po sila magpagawa ng mga paper bag nila tapos irerepurpose ko po. Message lang po sila sa FB page ng Simple&Grand," aniya pa.

Paglilinaw pa ni Miko na hindi sila affiliated sa mga nabanggit na branded items na kanilang ginagawan ng repurposed bag.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!