Pinuri ng isang netizen at mall goer na si "Josh Espina" ang security guards at pamunuan ng "Fairview Terraces" sa Fairview, Quezon City matapos maispatan sa loob ng establishment ang isang "aspin" o asong Pinoy na mahimbing na natutulog sa loob nito.

Ayon sa Facebook post ni Josh na mababasa sa isang online community page para sa dog lovers, natuwa siya sa mall dahil sa halip na ipagtabuyan paalis ang aso, pinayagan itong matulog sa loob.

"I always see this dog pag papasok ako and pag-uuwi galing work. Today, nasa loob s'ya ng mall natutulog. Not sure kung may nag-aalaga sa kaniya but I hope meron."

"Thank you Fairview Terraces for letting this doggy sleep peacefully sa loob ng mall."

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

"PS. Mabait po yung dog. Nasa labas ng entrance ko s'ya lagi nakikita."

Sa comment section, marami naman ang nagpatunay na sadyang animal at pet-friendly ang pamunuan ng nabanggit na mall, at lahat daw ng Ayala Malls.

"Excellent job for the management of Fairview Terraces on this. If we can show care and kindness to animals it only shows how much care and kindness we can provide towards people."

"Thank you Ayala Malls management, sana all ganyan pet friendly."

"Hayaan lang po sana natin sila makatulog nang maayos as long as di sila nakakapanira. Thank you Fairview Terraces!"

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!