Kinakiligan ng mga netizen ang birthday message at pa-advance anniversary message ng Kapusong komedyanteng si Kiray Celis para sa kaniyang boyfriend na si Stephen Estoria, habang sila ay nasa Camp Irog sa Daraitan, Tanay, Rizal.

Makikita sa mga litrato ni Kiray ang lambingan at "tukaan" moments nilang dalawa.

Apat na taon palang mag-jowa sina Kiray at Stephan, kaya para sa komedyante, "road to 4ever" na sila.

"Happy happy birthday, @stephan.estopia at advance happy Anniv! Going 4 years na tayo, Kaya alam kong 4ever nato! Ayiee!" ani Kiray sa kaniyang caption.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Btw, sa CAMP IROG sa daraitan kami nagstay! Check niyo sila! Napaka relaxing at ang ganda ganda dito!" dagdag pa niya.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa kanilang dalawa. Sana nga raw, silang dalawa na ang magkatuluyan.

Nagkakilala at nagsimulang mag-date ang dalawa noong 2019 bagama't matagal na raw silang magkakilala dahil kaibigan si Stephan ng kaniyang kapatid. Hindi makapaniwala si Kiray na mahuhulog ang loob niya sa binata nang makalaro niya ito sa isang sikat na online game.

Nang mga panahong iyon ay pareho silang "sawi" sa pag-ibig matapos dumaan sa kani-kaniyang break-up sa kanilang previous relationships.