Nalungkot ang netizens nang ibahagi ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa kaniyang Instagram post ang mga larawan ng kaniyang pet dog na pumanaw na.

Relate-much sila sa pinagdadaanan ngayon ng aktres. Dahil idinaan nga ni Carla sa kaniyang social media ang pangungulila sa kaniyang asong si Patches.

Aniya, “Wake, up Patch. Please wake up, my Patchy Poo.”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Saad pa ni Carla, "Her purpose was to bring light and companionship into my life.”

Ikinuwento rin niya kung paano dumating at naging parte ng buhay niya ang kaniyang mahal na aso.

“It was during a very dark period of my life when my stepdad, Neri, surprised me with PATCHES. I came home from work late one evening to see her inside a small crate. Right there and then, i truly felt i was no longer going to be alone. I fell in love with Patchy Poo."

“Fast forward to 11 years, God decided that she had already fulfilled her purpose here on earth. He suddenly needed her back. Though i wasn’t even given the chance to protest, i had to respect the Lord’s painful decision to take her away from me."

“I cannot even begin to express how painful it is to lose my Patches. Just as my heart had started to heal, it shatters yet again."

“You have my heart always and forever, Patchy Poo. Please say hi to the two Rockys, Sunny and Wing for me. I imagine you all running around the rainbow bridge together, and that gives me a tiny bit of comfort.

“I’m going to miss your big, bright, naughty smile, my Patchy. Abu.

Matatandaang namatayan ng aso si Carla noong 2018, si Sunny at noong 2020, ay si Wing. Kaya masakit talaga ang mawalan ng alagang aso.

Sa kaalaman ng lahat, certified dog lover si Carla kaya naman may advocacy siya tungkol sa animal rights at animal welfare. Kita iyan sa kaniyang socmed na aminadong nasasaktan kapag may naaabusong mga hayop at talagang ipinaglalaban niya. Balita ngang para sa kaniya ang mga aso ay they will love you unconditionally.

Korek naman talaga si Carla diyan dahil ang aso is a man's best friend. Sa mga nangyari sa buhay niya kabilang na ang failed marriage nila ni Tom Rodriguez ay aso rin niya ang nakapagpa-comfort sa kaniya.

Samantala, inusisa ng isang netizen ang malungkot na mata ni Carla sa video na ibinahagi nito sa Instagram na ang sabi, “Ang ganda nyo po ms. carla kaso parang lungkot po ng mga mata mo.”

Sagot ni Carla, “Kasi kamamatay lang po ng aso ko the night before. Kakatapos ko lang po umiyak diyan.”

Sa video nakapaloob ang sinabi ni Carla na, “The truth is anyone can show up when you are happy. But those who stay by your side when your heart falls apart, those are your true friends.” Hango ito sa inspirational quote ni Brigitte Nicole.