“Here I am, the one that you love…”

Inanunsyo ng musical duo na Air Supply ang kanilang pagbabalik sa Pilipinas sa darating na Disyembre para sa kanilang 3-night concert.

Sa kanilang Facebook post nitong Lunes, Agosto 21, ibinahagi ng Air Supply na nagdagdag sila ng apat na bagong shows para sa kanilang "Lost In Love Experience Tour.”

Tatlo naman sa nasabing bagong shows ang magaganap sa Pilipinas simula Disyembre 11 hanggang 13 sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City.

TIMELINE: Ang pagpili ng ika-267 Santo Papa ng Simbahang Katolika

“NEW DATES ANNOUNCED! We've added four new shows to the Lost In Love Experience at the end of 2023,” saad ng Air Supply sa kanilang post.

“Pre-sale tickets available Wednesday with code LOVE. Tickets on sale Friday at https://AirSupplyMusic.com/tour-dates,” dagdag pa.

Matatandaang huling nag-concert ang Air Supply sa Pilipinas noong Disyembre ng nakaraang taon upang ipagdiwang ang kanilang 45th anniversary.

Kilala ang Air Supply sa kanilang hit songs, kabilang na ang “Here I am,” “The One That You Love," “Come What May,” “All Out of Love,” at "Come What May."