Tinalakan ng actress-singer na si Nadine Lustre ang umano’y “fans” niya na inaakusahang 'niloloko' umano siya ng kaniyang Pinoy-French businessman boyfriend na si Christophe Bariou.

Sa isang Instagram post ni Bariou kamakailan, nag-komento ang mga umano’y “concerned fans” ni Lustre at sinabing nakikipag-hangout ito sa ibang babae.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

“hi sir @cbariou someone told us from siargao that you been hanging with @maryloubvckvr for these past few days using Nadine's jeep, you've been always with her surfing, eating and skating,we just wondering why you always spend time with her while Nadine is in manila😔 We just hope di mo niloloko si Nadine mataas pa naman respeto namin sa ito,” saad ng fan.

Nag-reply naman si Lustre sa kaniya, “Stop acting like you’re concerned. You’re just another hater tryna create drama. 2023 na, gawa nalang tayong vegan cheese.”

Sumunod, may isa pang “fan” ang nag-komento rin. Aniya, ‘wag daw masyadong magtiwala sa boyfriend dahil marami raw ang nakakakita kay Bariou kasama ang parehong babaeng binanggit ng unang “fan.”

“@nadine sana nads di siya kagaya kay james na manloloko ayaw naming makitang niloloko ka at sinasaktan 🥺 Same before lagi mong pinagtanggol pero niloloko ka pa rin 🥺we just hope yung concern ng siaoganhon na nakakita kay @cbariou at marylou ang ma li .Malayo ka nads yong taga siargao ang laging nakakakita kung sino palagi kinakasamang babae ni chris sa siao, so sana wag masyadong magtiwala kay @cbariou pinagdaanan mo nayan we hope u learn the lesson 🥺CONCERN KAMI SA IYO ❤️”

Tinalakan din ito ni Lustre, “how rude and offensive. lagi ko ding kasama yung mga guy friends ko recently, but that doesn't mean Im cheating. Di ba siya pwedeng magka friends na girls? Di ko kaya yung backwards mentality mo teh. It's giving pre pandemic.”

Marami ring netizens ang umalma sa komento ng dalawang “fans” ni Lustre.

Sa isang tweet nitong Linggo, Agosto 20, nagpahayag ang aktres.

“Normalize girls having guy friends. Normalize guys having girl friends,” aniya.

https://twitter.com/hello_nadine/status/1693223495470346308

Sa sumunod pang mga tweet, tila nawindang si Lustre nang tawagin umano siyang “tanga” sa group chat ng kaniyang “fans.”

“In complete awe that some of ‘my fans' actually called me 'tanga' in their gc just cause they think they can live my life better than I can. Also the same people that send chismis to others. Grateful the real ones never engage with their bs [bullsh*t] tbh,” aniya.

https://twitter.com/hello_nadine/status/1693242980357017655

“Also pls don’t come at me with your self righteous + condescending lecture if you believe in chismis. It’s toxic af [as f**k],” dagdag pa niya.

https://twitter.com/hello_nadine/status/1693243873655717894

At sa huling tweet, nag-tweet siya ng gif na may “puso” para raw ito sa mga “totoong” fans.

“This for the real ones out there, who don’t partake in the bs [bullsh*t].”

https://twitter.com/hello_nadine/status/1693244653913739520