Bilang hurado, shinare ni singer-songwriter Ice Seguerra ang kaniyang appreciation para sa mga Aspin na lumahok sa "Ginoo at Binibining Aspin" pageant na inorganisa ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) nitong Linggo, Agosto 20.

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Ice ang ilang mga larawan ng cute na cute na mga Aspin na bumida sa naturang pageant.

“First time to judge the Binibini at Ginoong Aspin Pageant ng PAWS,” ani Ice sa nasabing post.

“First-time ko nahirapan mag judge. Gusto ko sila manalo lahat!!! Hahaha!!!” saad pa niya.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Makikita naman sa isang Facebook post ng PAWS ang larawan ng tila pag-kiss ng singer-songwriter sa hinirang na “Ginoong Aspin 2023.”

May be an image of 2 people and text

Courtesy: Philippine Animal Welfare Society (PAWS)/FB

“Celebrity judge Ice Seguerra shares a kiss with Ginoong Aspin grand prize winner Blackie at today’s #NationalAspinDay2023 event,” saad ng PAWS sa kanilang post.

Kilala ang PAWS bilang non-profit organization na nagre-rescue at nagsusulong ng makataong pagtrato sa mga hayop.