Isa sa mga hot topic na natalakay nina Ogie Diaz at co-hosts na sina Mama Loi at Tita Jegs sa kanilang showbiz-oriented vlog na "Showbiz Now Na" ang pagiging engaged ni LJ Reyes sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista, na nakabase sa Amerika.
Does it mean daw ba na puwede nang pakasalan ni Paolo ang current girlfriend na si Yen Santos?
Sey ni Ogie, kahit hindi niya tanungin si Paolo eh alam niya ang sagot.
Married pa kasi si Paolo sa kaniyang dating asawang si Lian Paz. Hindi pa sila annulled, bagama't may ibang partner na rin ito.
"Ang alam ko talaga, si Paolo at si Lian ay married pa rin," pahayag ni Ogie.
Naniniwala raw si Ogie na iwo-work out daw ng dalawang partido ang patungkol sa annulment since may kani-kaniya naman na silang partner sa buhay.
Pero sundot naman ni Mama Loi, kung halimbawang "malaya" na nga nang tuluyan si Paolo, pakakasalan na nga ba nito si Yen? Is she the one?
Idinaan naman sa biro ni Ogie na baka sumali muna sa "Contis" (contest) si Paolo.
Well, ang tanging makakasagot naman niyan ay si Paolo. Sa mga naging panayam sa kaniya kaugnay ng engagement ng dating partner, sinabi ng "Eat Bulaga!" host na darating din sila sa puntong iyon, pero may mga kailangan pa siyang ayusin.