Para matapos na raw ang "kabit-kabit" issue na patuloy pa ring ikinakapit sa Vivamax sexy actress na si AJ Raval, nagsagawa siya ng Facebook Live habang naglalakad-lakad upang linawin ang tungkol sa kanila ng boyfriend na si Aljur Abrenica.

"Para matapos na 'yang kabit-kabit na 'yan... nakapag-move forward na lahat, kayo na lang hindi," sey ni AJ sa kanilang bashers ni Aljur.

"Magsasalita na ako kasi sobra na, sobra na yung sinasabi ng mga tao. May nabasa ako... 'di ko na sasabihin exact words, pero dinadamay niya pamilya ko."

Dito ay ikinuwento na ni AJ kung paano sila nagkakilala ni Aljur. Aniya, nagkasama sila sa pelikulang "Nerisa." That time daw ay magkaibigan lang sila ng aktor. Kuya Aljur pa nga raw ang tawag niya rito.

'True to life?' Movie title ng pelikula nina AJ, Aljur dinogshow ng netizens

Hanggang sa dumating daw ang panahong nanligaw na sa kaniya si Aljur. Lesson learned daw kay AJ na sana raw, itinago na muna niya ang totoo, pero hindi raw niya alam dahil baguhan pa lang siya sa showbiz.

Sinabi lang naman daw ni AJ ang totoo kaya hindi niya akalaing grabe ang magiging reaksiyon ng mga tao tungkol dito.

Tinanong daw ni AJ si Aljur kung paano ang wife at family ng aktor. Sagot daw nito, okay lang dahil hiwalay na raw talaga sila, na ang tinutukoy ay si Kapuso actress Kylie Padilla.

"May partner na rin si Kylie that time," bunyag pa ni AJ.

"Kaya nag-go ako."

"Ang sinasabi ko lang dito, di bale nang tawagin ninyo akong kabit and all, siguro iyon ang tingin sa akin ng ibang tao kasi kasal nga si Aljur... pero I swear to God, ikamatay man ng pamilya ko, mamatay man buong pamilya ko ngayon, nag-start yung relationship namin na wala kaming nasasaktan. Wala kaming nilokong tao."

Kilala raw ni AJ kung sino ang babaeng tunay na third party at naging dahilan daw kung bakit nasira ang relasyon nina Aljur at Kylie noon, bagay na hindi na niya pinangalanan.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Aljur o ni Kylie tungkol dito.