Usap-usapan ang naging episode ng segment na "Rampanalo" sa "It's Showtime" matapos pansinin ni Unkabogable Star Vice Ganda ang disenyong bulaklak sa leeg nina Jackie Gonzaga at Kim Chiu na halos nagkapareho.

"Ang tanong ng bayan, kanino daw ba talaga ang mas malaking bulaklak, ang sa iyo (Jackie) o kay Kim Chiu?" natatawang tanong ng komedyante.

Makikitang natatawa naman ang hosts at audience lalo na sina Kim at Jackie na iniliyad pa ang mga leeg upang ipakita ang mga bulaklak sa kanilang leeg.

"Sino daw ba ang may mas malaking bulaklak, si Kim Chiu ba o si Jackie?" sundot ulit ni Vice.

Kim Chiu nasambit ang 'vibrator;' It's Showtime posibleng ma-MTRCB ulit?

"Ano ba ang pagkakaiba ng bulaklak ni Kim Chiu kay Jackie? Ating alamin."

Hirit naman ni Kim, "Ang bulaklak ko ay napakalaki! Ito ay buong-buo, at bukang-buka!"

"Ito ay kasing-blooming ko ngayon!" hirit pa ni Kim.

Segunda naman ni Vice, kumbaga raw ay hinog na hinog na ito at bumuka na nang tuluyan ang mga talulot o petals.

Kay Jackie naman, "Ang bulaklak ko ay misteryosa! Pag madilim, ito ay mahiyain, pero kapag nasilayan ng araw, ito'y mamumukadkad!"

Maya-maya, tinanong naman ni Vice ang contestant na nagkataong nagngangalang "Gerald." Tinanong ni Vice kung kaninong bulaklak ang iuuwi niya: bulaklak ni Jackie o bulaklak ni Kim?

Natawa naman si Kim at sabi niya, kunin na lang ni Gerald ang bulaklak ni Jackie.

Bagama't maraming netizen ang naaliw sa nabanggit na segment, hindi naman naiwasan ng ilang mga netizen na muling mag-aalala para sa Showtime, dahil baka mapatawag na naman daw sila ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB, lalo't naka-pending pa ang desisyon sa iba't ibang mga reklamo raw patungkol sa programa. Ang latest nga, ang pagkain ng icing ng cake nina Vice Ganda at Ion Perez sa segment na "Isip Bata."

"Naku! Baka hanapan na naman nila ng butas 'yan bulaklak na 'yan. Sila-sila lang naman nag-iisip ng masama't di maganda. Ganun kasi sila. Samantalang yung ibang show on sa lahat tas sasabihin walang mali do'n."

"Naku hahanapan na naman kayo ng mali ng mga unreasonable na tao!!! Mga basag-trip na naman ang mga walang magawa."

"Lagot na naman kayo haha..."

"Haha kung ano'ng bulaklak 🤣😂 baka na naman ipatawag ka meme vice ng mga MTRCB."

"Naku baka may magpatawag na naman sa showtime n'yan."

Bukod dito, usap-usapan din ang salitang "vibrator" na hindi sinasadyang masambit ni Kim Chiu noong Agosto 2, sa segment naman na "Tawag ng Tanghalan" matapos purihin ang boses ng isang contestant.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang MTRCB patungkol dito.

https://balita.net.ph/2023/07/31/mtrcb-ipinatawag-ang-its-showtime-producers-hinggil-sa-umanoy-ilang-eksena-nina-vice-ion/