Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na magreklamo laban sa mga kandidatong maagang nangangampanya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Paliwanag ni Comelec chairman George Garcia, ang simula ng campaign period ay sa Oktubre 19 hanggang Oktubre 28.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Sa kasalukuyan, wala pang kapangyarihan ang Comelec. Hintayin nila ang August 28 at kapag may nagkaso sa amin. Gusto niyo ba ‘yun na may disqualification cases kayo o kaya haharap kayo ng kasong kriminal na may anim na taon na pagkakakulong?” anang opisyal.

Paalala ni Garcia, mag-uumpisa ang paghahain ng certificate of candidacy sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2.

Aniya, ang sinumang maghahain ng kandidatura ay ikinukonsiderang tatakbo sa halalan sa Oktubre 30.

Idinagdag pa ni Garcia, sakop na ng Omnibus Election Code ang mga nasabing kandidato sakaling mangampanya nang wala pa sa takdang panahon.